Miyerkules, Agosto 27, 2014

Wika: Kaluluwa Nga Ba?

     Habang ako ay lumalakad patungo sa paaralang aking pinag-aaralan, napukaw ang aking atensiyon sa isang poster na nakalagay sa sa harapan ng opisinan ng aming prinsipal. "Buwan Ng Wika: Wika Ng Pagkakaisa." Noo'y nagbalik sa aking ala-ala ang sinabi ng pambansang bayani natin na si Dr. Jose Rizal na,"ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isada."
     But our -araw-araw na pamumuhay, ni minsan ba ay naisip natin ang kahalagahan ng ating wikang pambansa sa buhay nating mga Pilipino? Ang wika nga ba ang sandatang makakapagpadaloy g buhay sa alin mang pamayanan, lipunan at sibilisasyon?
     Ang kasagutan sa tanong na ito ay napapaloob sa pahayag kung ating sasariwain ang kasaysayan ng pinakadakilang bayani na si Dr. Jose Rizal nang sinabi niyang,"ang wika ang kaluluwa ng bayan." Tunay nga bang ang wika ang maituturing na kaluluwa ng bayan?
     Oo! Ang wika ang isang instrumentong magtuturo ng landas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa at kaunlaran. Ito ang siyang nakakapagbuklod sa sambayanan sa iisang diwa at layunin. Nandiyan halimbawa ang mga proyektong pangkaunlaran na kinasasangkutan ng mga mamamayan sa pinakaliblib mang pook ng bansa. Bunga ito ng kapangyarihan ng sariling wika na bumibigkis sa kanilang pagkakaisa. ano nga ba't nakakaabot sa masa ang mga karunungang pangteknolohiya at pangkabuhayan dahil sa mga pagsasanay at workshop na wika ang gamit upang makapagbatid ng pagbabago sa kanilang buhay.
     Wala na ngang hihigit pa sa paggamit ng sariling wika sapagkat tumatatak ito sa isipan, puso at kaluluwa ng gumagamit nito. Ang lakas ng nasyonalismong iiral sa atin ang maghahatid sa atin sa pedestal ng kapangyarihan at katatagan.
     Kailan kaya magiing isang kaganapan ang pagtino ng dalisay at tunay na diwa ng nasyonalismo sa wikang kaluluwa ng bayan? Kung kaya ng iba, bakit 'di nattin kaya?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento